Connect with us

Aklan News

ATI-ATIHAN BAZAAR AT FOOD FESTIVAL KANSELADO NA RIN!

Published

on

Kanselado na ang dalawang aktibidad na may kaugnayan sa nalalapit na Kalibo Santo Niño Ati-atihan Festival 2022.

Ito ay ang Ati-atihan Bazaar sa XIX Martyrs Street at Food Festival sa Martelino Street, Kalibo.

Bunsod ito ng muling pagsirit ng kaso ng nakakahawa at nakamamatay na COVID-19 sa lalawigan ng Aklan.

Dahil dito, minabuti ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na kanselahin muna ang nasabing mga aktibidades upang maiwasan ang super spreader event.

Nauna nang sinabi sa Radyo Todo ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na ayaw niyang makipagsapalaran sa ganitong sitwasyon dahil prayoridad niya ang kalusugan ng bawat isa.

Magugunitang kinansela na rin ng LGU Kalibo ang ilan sa major events ng Ati-atihan Festival 2022 gaya ng “Sadsad sa Kalye” at kompetisyon ng mga iba’t-ibang tribal groups.

Ang nasabing hakbang ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ay batay na rin sa ipinalabas na rekomendasyon it Regional Inter-Agency Task Force (RIATF).