Connect with us

Aklan News

Ati-Atihan Festival, ‘throwback’ nalang: Virtual presentation ng sadsad 2021 kanselado – Mayor Lachica

Published

on

KINANSELA ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang virtual presentation ng sadsad sa Ati-Atihan Festival 2021.

Ayon kay Kalibo Mayor Emerson lacica, ito ay dahil nais ng Regional Inter Agency Task Force (RIATF) na isailaim muna sa RT-PCR test at 14-day quarantine ang lahat ng mga sasali sa sadsad bago ang kanilang performance.

Malaki aniya ang magagastos ng LGU kung susundin nila ang nais ng RIATF dahil mayroong 23 tribu na sasali sa at Ati-Atihan na may tig 18 miyembro kabilang ang mga drummers at dancers.

Dahil dito, napagpasyahan na susundin na lamang ang suhestyon ng RIATF na gamitin ang video footage at presentations ng mga nagdaang Ati-Atihan festival.

Maliban dito, kinumpirma ng alkalde na tuloy pa rin ang ang search for Miss Kalibo Ati-Atihan 2021 at iba pang aktibidad.