Connect with us

Aklan News

‘Attention BIR Kalibo, gising!’ – SB Tolentino sa BIR kaugnay sa imbestigasyon sa KASSAMACO

Published

on

Kinalampag ni Kalibo councilor Augusto Tolentino ang BIR Aklan kaugnay sa mabagal na pag aksyon sa imbestigasyon sa Kalibo Sr. Santo Niño Ati-Atihan Management Council (Kassamaco.)

Inamin ni Tolentino na hindi siya dumalo sa meeting ng executive committee para sa mga paghahanda sa Ati-atihan 2021 dahil nalaman nitong parte pa rin ng marketing and promotion committee ang Kasamacco.

Nagpahayag si Tolentino ng pagkadismaya sa BIR Aklan dahil sa tagal ng kanilang imbestigasyon ukol sa mga pekeng resibo na isinumite ng Kassamaco sa breakdown ng kanilang ginastos sa paghawak ng nakaraang Ati-atihan Festival.

Ipinagtataka umano ng konsehal kung bakit kabilang pa ang Kasamacco sa nasabing komite gayong wala silang resibong naipresinta sa sangguniang bayan sa lahat ng financial statement.

Kinuwestyon din nito ang isinusulong na Mutya it Kalibo Ati-Atihan 2021 na may proposed budget na mahigit isang milyon.

“Ati-atihan mangwarta eon man kamo, maeuoy man kamo sa mga konsensya ninyo, pangwartahan ta ninyo pirme ro Sr. Sto Niño Ati-atihan para makakwarta eon man kamo,” saad ni Tolentino.

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng lokal na pamahalaan na tuloy ang selebrasyon ng Mother of all Philippine festivals o Ati-Atihan Festival sa gitna ng pandemya na kinakaharap ng bansa.

Bukas naman ang himpilan ng Radyo Todo anumang oras para sa paliwanag ng kabilang panig.