Aklan News
AUGMENTATION FORCE SA KALIBO ATIFEST 2020, KUMPLETO NA
Kalibo, Aklan – Nakumpleto na ang buong puwersa ng augmentation force para sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2020 sa ginanap na send-off ceremony kaninang umaga sa Aklan Police Provincial Office (APPO).
Ayon kay PRO-6 Director Brigadier General Rene Pamuspusan, handa na ang kapulisan sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mga turista na dadalo sa Ati-Atihan Festival.
“I expect you to be ready for action anytime and anywhere.”, ani Pamuspusan sa mga kasapi ng kapulisan.
Una nang napabalita na mahigit 1700 augmentation force ang inihanda para maisakatuparan ang zero major crime incidents sa pagdiriwang ng Mother of all Philippine Festivals.
Malaking bilang ng Security Task Group ang mula sa regional office ng Philippine National Police na umaabot sa 1191, 477 naman ang mula sa APPO.
Katuwang din ng mga kapulisan ang 32 na mga tauhan ng Armed Forces of the Phlippines (AFP) at 23 miyembro ng Philippine Coast Guard.
Nakaantabay rin ang mga emergency responders na binubuo ng 43 miyembro ng Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO) pati na rin ang 12 mga taga Bureau of Fire.