Aklan News
Away na nag-ugat sa batchoy nauwi sa pananaksak, isa patay


Published
3 years agoon
By
TMS

PATAY ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kapwa construction woorker sa Brgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ang biktimang si Junrel Arias, nasa legal na edad residente ng Tinigao, Kalibo at ang suspek na si Reckly Lubrique, 34 anyos ng Mercedes, Madalag.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nag-iinuman sa isang tindahan ang biktima kasama ang kanyang dalawang katrabaho nang dumating ang suspek na umorder ng batchoy.
Salaysay ng suspek, habang kumakain siya sinabihan siya ng biktima na “Hay part hay ikaw eat-a ro gakinaon”, kaya nag order pa siya ng dagdag na batchoy.
Depensa pa ng suspek, patuloy siya na kinulit ng biktima kaya nagdesisyon siya na umalis.
Pero pagtayo nito ay hinampas raw siya sa ulo ng isang matigas na bagay dahilan para uminit ang kanyang ulo at umuwi sa barracks para kumuha ng patalim.
Saka niya binalikan ang biktima at pinagsasaksak gamit ang patalim na may habang 14 na pulgada.
“Indi eon ako makakita sang mata hay nagatinueo eon ro dugo. Uwa eon ako kaisip kung ano ang ubrahon kana, bukon ko man it tuyo nga magpatay, tuyo nga pagpahog galing hay ginsub-eang pa imaw,” giit ng suspek.
Todo tanggi naman ang isa sa kasama ng biktima na si John Erick Torres na hinampas nila ng matigas na bagay sa ulo ang suspek na ikinagalit nito.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo pero kalaunan ay nagdesisyon itong sumuko sa Malinao PNP station.
Continue Reading
You may like
BREAKING: Suspek na si Stanley Mercado, Jeric Ocampo ang tunay na pangalan
BREAKING: Caretaker ng isang apartment sa Kalibo, tiklo sa drug buy bust ops
Maglive-in partner na SLI, tiklo sa drug buy bust ops sa Numancia
Lalaking may kasong theft, nagpasko sa loob ng kulungan matapos mahuli ng Kalibo PNP
Dahil sa kalasingan at gutom lalaki pinasok ang karinderya at nagluto ng ulam, kulong matapos mahuli ng may-ari
Motorsiklong matulin ang takbo, sumalpok sa nag u-turn na van sa Numancia