Aklan News
Babae nawindang ng may lumabas na gasa mula sa kanyang pwerta matapos manganak; dismayado sa serbisyo ng Aklan Prov’l Hospital


Laking gulat ng isang ginang matapos na may lumabas na gasa sa kanyang pwerta matapos niyang manganak sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH).
Batay sa Facebook post ng kanyang kapatid, nakaramdan ng pananakit ng gilid at tiyan ang biktima dahil sa naiwang gasa sa loob ng kanyang pwerta.
Wala din umano silang natanggap na paliwanag mula sa pamunuan ng ospital tungkol dito.
“Kan-o ko pa gina-isipan kung i-post ko da!! Kasi gahueat man kami it explanation it hospital kong alin do purpose kat nag guwa ngato!! But the problem is pilang adlaw eun ka unga ang manghod hasta kara uwa pa kami nababaton nga sabat,” pahayag pa ng kapatid ng biktima.
“If ever may purpose man do gasa ngaron hay dapat nag-advice sanda sa tawo para [indi] man mag panic or mag isip…kasi do kinabuhi nakasalalay karon…. let say sobrang OA pero bukon ta abi kamo do gapasakit!!”, dagdag pa nito.
Sa ngayon ay sinusubukan na ng Radyo Todo News Team na kuhaan ng pahayag ang pamunuan ng Aklan Provincial Hospital kaugnay sa insidente.