Aklan News
Babae, umano’y ginawan ng dummy account saka siniraan at pinahiya pa sa facebook


KAHIHIYAN at kasiraan ang natanggap ng isang babae matapos itong ipahiya sa facebook at ginawan pa ng fake account nitong Lunes ng umaga, Hunyo 9.
Ang biktima ay isang 23-anyos na babae na residente ng Brgy. Poblacion, Kalibo, Aklan.
Ayon sa biktima, ipinost sa Facebook ng isang 22-anyos na lalaki at residente ng Brgy. Cupang, Banga, Aklan, ang isang screenshot mula sa isang chat ng pekeng Facebook account na umano’y ginamit ang kaniyang pangalan.
Sa naturang post, makikita ang mensahe na nag-aalok ng serbisyong sexu*l kapalit ng P1000.
Lalo pang nadagdagan ang umano’y kahihiyan ng biktima nang magkomento pa ang lalaki sa naturang post at tinawag ang kaniyang buong pangalan kalakip dito ang biro na hindi umano siya babae.
Nakasaad sa komento na, ” BAKLA TA GALI BUKON BAYE ,KALA KO TA BAYE”.
Ipinabatid naman ng biktima na labis ang idinulot nitong kahihiyan at sakit sa kanilang pamilya.
Isinumite na rin niya sa pulisya ang mga screenshot bilang ebidensiya.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay sa nasabing insidente. Ulat ni Jisrel Nervar