Connect with us

Aklan News

Babaeng humingi ng tulong para ma-rescue ang kapatid sa abroad, na-scam ng nagpanggap na tutulong

Published

on

Babaeng humingi ng tulong para ma-rescue ang kapatid sa abroad, na-scam ng nagpanggap na tutulong

Nabiktima ng scammer ang isang babaeng humihingi ng tulong para sana mapauwi sa ang kanyang kapatid na minamaltrato sa ibang bansa.

Batay sa report, mayroon umanong kakilala ang 29-anyos na biktima na nag-refer sa kanya sa babaeng nagngangalang “Ate Edz” sa Facebook.

Minessage niya ito at nagkausap sila na tutulongan niya umano ito ngunit kinakailangan ng halagang P22,000.

Sagot naman umano ng kanilang agency ang P12,000 kaya’t P10,000 nalang ang kailangan niyang ibayad.

Dahil kapos rin ang biktima ay nakiusap pa ito na kalahati muna ang ibabayad at manghihiram pa ito ng pera kaya’t nais sana ng biktima na i-video call ang suspek ngunit abala umano ito.

Sa kabila ng pagdududa, nagsend parin ng P1,000 ang biktima sa pamamagitan ng gcash bilang paunang bayad.

Nais din sanang magpasend ng picture ang biktima habang nirerescue ang kaniyang kapatid ngunit masyado umano silang busy para kumuha pa ng litrato.

Kalauna’y napansin ng biktima na iblinock na ito ng suspek.

Agad na inereport sa Kalibo Pnp ang insidente kung sana ay inerefer din sa Regional Anti-Cybercrime Unit ang kaso para sa karampatang disposisyon.