Connect with us

Aklan News

Babaeng motorista, sumemplang sa brgy. Tambak, New Washington

Published

on

‎SUMEMPLANG ang isang babaeng motorista matapos umanong mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Brgy. Tambak, New Washington, bandang alas-10 ng umaga nitong Linggo, Abril 13.
‎Ang hindi na pinangalanang babae, ay edad 33-anyos na residente ng Brgy. Polo, New Washington.
‎Sa inisyal na imbestigasyon ng New Washington PNP, binabaybay ng motorsiklo ang direksyon papunta sa bayan ng Kalibo habang kasunod ng isang sasakyan.
‎Nang mag-signal light umano ang naturang sasakyan upang lumiko patungo sa isang gasolinahan ay bigla na lamang natumba ang motorsiklo.
‎Samantala, nagresponde naman sa lugar ang MDRRMO-New Washington at New Washington PNP.
‎Dahil sa aksidente, nagtamo ng mga galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang babaeng motorista na kalauna’y isinugod sa Provincial Hospital para sa karagdagang pagpapagamot.
‎Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng New Washington Municipal Police Station kaugnay ng naturang aksidente.l Ulat ni Arvin Rompe