Connect with us

Aklan News

Babaeng naglalakad sa tabi ng kalsada, nasagi ng lasing na tricycle driver; biktima, nilingon lang ng nakasagi‎

Published

on

NASAGI ng lasing na driver ng tricycle ang babaeng naglalakad sa C. Laserna St. Poblacion, Kalibo, bandang alas-5:40 nitong hapon ng Huwebes, Hunyo 19.

Ayon sa biktima, naglalakad umano sila kasama ang anak nito ng masagi siya ng pampasadang tricycle.

Nilingon lang umano siya ng driver at hindi manlang hinintuan kahit sinigawan na niya ito.

Agad namang nakunan ng litrato ang body number ng nasabing tricycle at pinatawag sa himpilan ng Kalibo MPS.

Dito na napag-alamang nakainom pala ang driver kung saan pauwi na sana ito sa kanilang bahay.

Nagtamo naman ng pagmamaga sa kaliwang balikat ang naturang biktima binsod ng pagkasagi. l Ulat ni Jisrel Nervar