Connect with us

Aklan News

Babaeng nagpapataya ng iligal na STL bookies, arestado

Published

on

KULUNGAN ang bagsak ng isang babae matapos na maaktuhang nagpapataya ng iligal na STL bokies sa Sitio Gintampaan, Brgy. Guinbaliwan, New Washington.

Ang suspek ay isang 37-anyos at residente ng Brgy. Mabilo sa nabanggit na bayan.

Ayon sa New Washington PNP, naaktuhan nila ang suspek na iligal na nagpapataya sa lugar sa ikinasang Anti-Illegal Gambling Operation.

Narekober dito ang P50 na marked money, P510 na iba pang koleksyon, listahan at cellphone.

Samantala, agad naman itong iniharap sa korte sa kasong paglabag sa RA 9287 o Anti-Illegal Gambling Laws.