Aklan News
Babaeng nakamotor, patay sa pamamaril ng motor riding suspek


Binawian ng buhay ang isang babaeng rider ng motorsiklo matapos barilin ng motor riding suspek kaninang umaga sa President Roxas, Capiz.
Kinilala ang biktimang si Sandra Baluco, live-in partner ng umano’y bagong panalong kapitan sa nabanggit na bayan.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nagmamaneho ng motor ang biktima nang dikitan ito ng suspek na nakasakay din ng motor at binaril sa ulo.
Tatlong tama ng pamamaril ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Napag-alaman na narekober ng mga pulisya ang motor na sinakyan ng suspek.
Patuloy pa ang hot pursuit operation ng mga kapulisan sa salarin.
Continue Reading