Connect with us

Aklan News

Babaeng nasa likod ng “benta slot” scam, hindi na mahagilap matapos makamkam ang 4 na milyong pera

Published

on

HINDI NA MAHAGILAP AT MAKONTAK ng higit sa 40 mga biktima ang babaeng nasa likod ng “Benta Slot” scam matapos tangayin ang may higit sa apat na milyong pisong kanilang mga perang pinampuhunan.
‎Ayon sa mga biktimang tumanggi nang magpapangalan, pinagkatiwalaan nila ang salarin na si Joy ParconOrtega Zambrona dahil sa mga naging pangako nito.
‎Nitong mga nagdaang linggo, hindi na nila ma-contact o nakita pa si Zambrona matapos itong pumalyang maibalik ang pera.
‎Sinubukan pa umano nila itong ipatawag sa barangay ngunit hindi rin ito sumipot.
‎‎Karamihan pa sa mga biktima nitong mga small-time business owners at OFW ay mula sa mga bayan ng Malinao, Ibajay, Banga, at Kalibo.
‎Panawagan nalang ng mga ito na maging maingat sa mga katransaksyon lalo na pag pera ang pinag-uusapan.
‎Napag-alamang ang benta slot ay may dalawang taon nang nag-e-exist bago pa man mangyari ang insidente. l Ulat ni Arvin Rompe