Connect with us

Aklan News

Babaeng suspek sa pagpatay sa kanyang lola sa Balete noong 2017, patuloy pang pinaghahanap ng kapulisan

Published

on

Patuloy na tinutugis ng Balete PNP ang babaeng itinuturong suspek sa pagpatay sa kanyang sariling lola sa Balete noong 2017.

Ayon kay PMAJ. Bryan Alamo, hepe ng Balete PNP, hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sa batas si Ruth Tuberiadez ng Brgy. Aranas, Balete na may warrant of arrest sa kasong Homicide.

Sinasabing mismong lola ng suspek ang biktima at mismong mga tiyahin nito ang nagpursigeng sampahan siya ng kaso.

Matagal na umanong may warrant of arrest si Tuberiadez pero hanggang sa ngayon ay hindi pa nahuhuli ng pulisya kaya umaapela ito sa publiko na sakaling makita nila ang suspek ay ipaabot sa kanila ang kinaroroonan nito.

Kaugnay nito, P120,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.