Connect with us

Aklan News

Babaeng wanted sa kasong 15 counts of Qualified Theft, inaresto ng Kalibo PNP

Published

on

Inaresto ng mga Intel Operatives ng Kalibo PNP ang isang wanted person na may patong-patong na kasong Qualified Theft sa bayan ng Kalibo.

Kinilala ang akusadong si Hannah Joy Maatubang, 30 anyos, residente ng Brgy. Pook, Kalibo.

Si Maatubang ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa 15 kaso ng Qualified Theft na inisyu ni Hon. Joven Diaz Dellosa, Presiding Judge ng National Capital Judicial Region Branch 208 Mandaluyong City nito lang Mayo a-19.

Umabot sa kabuuang P360, 000 ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala muna ang si Maatubang sa ospital para sa medical check-up bago iturn-over sa korte.