Connect with us

Aklan News

BADING, IPINAGPALIT NG KALIVE-IN PARTNER SA BABAE, UMINOM NG ZONROX

Published

on

File Photo: Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Isang miyembro ng LGBT community ang nagtangkang magpakamatay matapos malaman niyang may ibang kinahuhumalingang babae ang kanyang kalive-in partner.

Ayon kay Rafaela (hindi niya tunay na pangalan) ng New Washington, mahigit 12 taon na silang nagsasama ng kanyang live-in partner na si Regie, 30 anyos at isang job order employee sa isang munisipyo sa bayan ng Aklan.

Kwento pa ni Rafaela na may natanggap umano syang tsismis na may ibang babae si Regie kung kaya’t kanya itong sinubaybayan at nahuli na kausap ang babae.

Dagdag pa niya na agad siyang umuwi sa kanilang bahay ngunit sinundan umano siya ni Regie at kung saan nangyari ang kanilang bangayan.

Nang umalis si Regie sa kanilang bahay ay naisipan niyang inumin ang Zonrox sa kusina hanggang sa mawalan ng malay.

Nakita at narinig umano ng kanyang kapitbahay ang nangyayari kung kaya’t dinala siya sa Aklan Provincial Hospital para magamot.

Mapalad na nasagip ang buhay ni Rafaela at kasalukuyan na siyang nagpapagaling sa ospital.