Connect with us

Aklan News

BAGONG ACTING GENERAL MANAGER NG AKELCO, PRAYORIDAD ANG REHABILITASYON AT MAAYOS NA SERBISYO

Published

on

BAGONG ACTING GENERAL MANAGER NG AKELCO, PRAYORIDAD ANG REHABILITASYON AT MAAYOS NA SERBISYO

Prayoridad ng acting General Manager ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang rehabilitasyon at pagsasa-ayos ng kanilang serbisyo para sa kanilang mga member-consumer.

Ayon kay Acting GM Ariel Gepty ito ang kanyang pokus sa kanyang panunungkulan sa AKELCO kung saan muli niyang babalikan at ipapatupad ang mission at vision ng kooperatiba.

Si Gepty ay pormal na umupo bilang Acting General Manager nito lamang Nobyembre 16 ng kasalukuyang taon.

Bago naging acting GM, si Gepty ay miyembro at secretary ng Board of Directors ng AKELCO at chairman ng board of directors ng Metro Kalibo Water District (MKWD).

Ngunit dahil sa kanyang kagustuhang manilbihan sa nasabing kooperatiba ay iniwan niya ang nasabing mga posisyon upang pagtuunan ng pansin ang pagiging acting general manager ng AKELCO.

Dagdag pa ni Atty. Gepty, mas napamahal na siya sa Akelco kay ito ang kanyang pinili na pagsilbihan kaya kahit ang kanyang propesyon bilang isang abogado hay hindi na rin niya pina-practice.

Aniya, bilang isang acting General Manager, kailangan siyang maging available 24/7 upang matugunan ang bawat pangangailangan ng AKELCO dahil ito’y isang seryosong trabaho.

Kaugnay nito, ipinasiguro ni Gepty na ibibigay niya ang lahat ng kanyang oras, pagsisikap at ang lahat ng kanyang makakaya upang maibigay ang nararapat na pagserbisyo sa kanilang miyembro-konsumidor.

Sa ngayon ay acting GM pa lamang siya at o-obserbahan pa ng board ang kanyang performance sa loob ng anim na buwan.

Samantala, hinihingi ni Gepty ang suporta at pag-unawa ng lahat ng member-consumer owners ng AKELCO.