Connect with us

Aklan News

BAGONG DISENYO NG BARRIER SA MGA TRAYSIKEL, IMINUNGKAHI; BILANG NG PASAHERO MAAARING MAGING APAT NA

Published

on

Prototype ng protective barriers para sa mga tricycles sa Kalibo.. (Larawan mula sa FB Page ni SB Matt Guzman)

Isa ang sektor ng transportasyon  sa mga naapektuhan ng pandemiya. Dahil sa patuloy na banta nito sa kalusugan, ipinairal ang physical distancing kung kaya’t limitado hanggang dalawang pasahero lamang ang pwedeng sumakay sa mga traysikel. Bilang tugon sa hinaing ng mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Kalibo, isang bagong disenyo ng protective barrier ang iminungkahi.

 

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo, sa pamamagitan ng isang resoslusyon ang bagong disensyo, kung saan maaari ng magsakay hanggang apat na pasahero ang mga tricycle drivers. Ang nasabing resolusyon ay isinulong ni Kalibo SB Member Matt Aaron P. Guzman. Makikita sa FB Page ni SB Guzman ang kabuuang disenyo.

 

Matatandaang mula sa walong pasahero, dalawa na lamang ang pinapayagang sumakay sa mga traysikel ngayon. Naniniwala si SB Member Guzman na malaki ang maitutulong ng nasabing barrieir sa mga tricycle drivers, maging sa mga pasahero.

 

Umaasa si SB Guzman na aprubahan din ito ng Provincial Inter Agency Task Force (IATF). Aniya, maaari pang magbago ang disenyo ng barrier ayon sa magiging rekomendasyon ng Provincial IATF.