Connect with us

Aklan News

BAGONG ICU NG PROVINCIAL HOSPITAL, PINASINAYAAN NA

Published

on

Kalibo – Pinasinayaan na ang bagong ICU o Intensive Care Unit pasado alas 10:00 nitong umaga sa Dr. Rafael S.Tumbukon Memorial Hospital.

Presente sa programa si Aklan Governor Florencio “Joeben”Miraflores, ilang SP Members, at ilan pang provincial government department heads.

Nabatid na merong 12 kuwarto ang bagong ICU kung saan 5 rito ang surgical, 5 medical at 2 isolation rooms at silid para sa mga doktor at nurses na naka duty, at centralized monitoring.

Ayon kay Gov. Miraflores, bahagi ito ng pangako ng pamahalaang probinsyal na mapabuti ang mga pasilidad ng nasabing ospital.

Ayon pa kay Miraflores, inilagay din doon ang mga pinaka ‘the best’ na mga nurses at nursing attendant upang mabigyan ng lubos na atensyon ang mga pumapasok na pasyente sa ospital.

Samantala, hinikayat naman ng gobernador ang lahat na mga provincial hospital employees na pangalagaan ang mga pasilidad at paglingkuran ang mga pasyente lalo na ang mga mahihirap.

Ginanap ang nasabing pagpapasinaya sa ikalawang palapag ng central part ng DRSTMH na pinangaunahan ni Rev. Fr. Francis Bolivar ng Kalibo Cathedral.