Connect with us

Aklan News

Bagong Kalibo, kabilang sa Top 5 Finalist sa 2024 Most Business-Friendly LGU Awards

Published

on

Napabilang sa Top 5 Finalist ngayong taon sa Most Business-Friendly LGU Awards ang Bagong Kalibo.

Kasama ng LGU Kalibo sa Top 5 Finalist – Municipal Level 1 ang mga bayan ng Capas sa Tarlac; La Trinidad sa Benguet; Manolo Fortich sa Bukidnon at Bayan ng Tanay sa Rizal.

Ang nabanggit na mga finalist ay pinili batay sa kanilang performance sa pagpapalago ng negosyo, pagkakaroon ng inobasyon, at pagpapanatili ng economic development sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang 2024 Most Business-Friendly LGU Awards ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Samantala, gaganapin naman ang announcement at awarding ceremony sa Oktubre 24 kasabay ng 50th Philippine Business Conference.