Connect with us

Aklan News

Bagong Kalibo Public Market na may P300 milyong pondo, malapit nang itayo sa Kalibo

Published

on

Photo Courtesy| Kalibo Public Affairs

Ipinasilip ng lokal na gobyerno ng Kalibo ang magiging disenyo ng bagong Kalibo Public Market.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Kalibo Municipal Treasurer Rey Villaruel na naratipikahan na ng Sangguniang Bayan Kalibo ang loan agreement ni Mayor Emerson Lachica at Development Bank of The Philippines para sa pagpapatayo ng pamilihan at ang tatlong palabag na gusali sa J. Martelino St. sa Andagao na magsisilbing relocation site ng mga vendors habang ginagawa ang bagong pamilihan.

Naglatag ang gobyerno ng P300 milyong inisyal na pondo para sa konstruksyon ng Kalibo Public Market.

Tumulong aniya ang United Architects of the Philippines – Aklan Chapter sa pagdisenyo ng 5 palapag na gusali.

Inilahad ni Villaruel na ang ground floor nito ay magsisilbing parking space at ang ikalawang palapag naman ay inilaan para sa mga wet goods gaya ng karne, isda, gulay at iba pa.

Para naman umano sa mga dry goods ang ikatlong palapag.

Pinag-iisipan din kung gagawin pang parking space o recreation center ang dalawa pang natitirang palapag.

Posibleng masimulan na ang konstruksyon ng relocation site sa Andagao ngayong taon, kapag natapos na ito at nakalipat na ang mga vendors ay maaari nang simulant ang konstruksyon ng bagong pamilihan.

Sa oras na matapos ang proyekto, magkakaroon pa ng mas maraming oportunidad ang mga maliliit na negosyante at maaaring maging tourism landmark para mas mapasigla ang turismo sa Kalibo.