Aklan News
Bagong kaso ng dengue sa Aklan, sumirit sa 267
TUMAAS ang bilang ng bagong kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan.
Batay sa dengue bulletin ng Provincial Health Office (PHO) Aklan simula August 11 hanggang 17, sumirit na sa 267 ang new cases ng dengue sa lalawigan.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ng dengue ang bayan ng Malay na may 307 cases, pangalawa ang Kalibo na may 262; sumunod ang Nabas na may 129; Ibajay na may 106 cases at pang-lima ang bayan ng New Washington na may 97 cases.
Samantala, 15 bayan naman ang may clustering ng nasabing sakit.
Dahil dito umakyat na sa 1,686 ang kabuuang kaso sa lalawigan kung saan dalawa na ang naitalang namatay simula Enero 1 ng taong kasalukuyan.
Matatandaang, inihayag ni Mr. Roger Debuque, Health Program Officer II ng PHO-Aklan sa panayam ng Radyo Todo na posible umanong magdeklara ng dengue outbreak sa lalawigan kung magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng nasabing sakit.