Aklan News
BAGONG OIC GENERAL MANAGER NG AKELCO, PRAYORIDAD ANG MATAAS NA KOLEKSYON
Prioridad ng bagong OIC General Manager na mapataas ang koleksyon ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO).
Ayon kay OIC General Manager Eugene Regatalio, dahil sa pandemya ay sinuspinde nila ang disconnection sa mga member-consumer dahilan na bumaba ang kanilang collection kaya’t ito ang kanyang bibigyan-pansin sa kanyang panunungkulan.
Ipinasiguro rin OIC GM Regatalio na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang mapaganda pa ang kanilang serbisyo.
Si Regatalio ay pormal na umupo bilang OIC General Manager noong Oktubre 1 ng kasalukuyang taon.
Bago naging OIC ng Akelco, siya rin ay dating division manager ng Engineering Department hanggang san a-promote bilang department manager ng Logistic and Equipment Department.
Samantala, ipinahayag ni Regatalio na napagkasunduan aniya ng kanilang oversight committee na habang wala pang naitalagang regular na General Manager ay magkakaroon ng rotation sa lahat ng mga departamento ng Akelco upang maupo bilang OIC pansamantala.
Pinalitan ni Regatalio si dating OIC GM Ms. Mega A. Mortalla.