Connect with us

Aklan News

Bagong patrol car ng Kalibo PNP, binangga ng motorsiklo

Published

on

Nabangga ng isang motorsiklo ang bagong patrol car ng Kalibo PNP ala-6:55 kagabi sa corner F. Quimpo St. at Rizal St. Poblacion, Kalibo.

Kinilala ang driver ng patrol car na si PSSgt. Colbert Yamog, 45 anyos ng Poblacion, Makato.

Ang driver naman ng motorsiklo ay si Christian Casas, 22, ng Brgy. Bubog, Numancia at angkas nito si John Kuis Inado, 29, Brgy. Aliputos, Numancia.

Batay sa ulat, pabalik na ang patrol sa istasyon ng Kalibo PNP mula sa direksyon ng M. Laserna St. nang aksidenteng mabangga ng motor na mula naman sa F Quimpo St papaunta sa C. Laserna.

Dahil dito tumumba sa kalsada ang dalawang motorista at nagtamo ng mga minor injuries.

Dinala ang mga ito sa ospital para malapatan ng first aid at agad namang nakalabas at ikinustodiya sa Kalibo PNP station angd driver na si Casas.