Connect with us

Aklan News

Bagong silang na sanggol itinapon na parang basura, natagpuan ng garbage collector

Published

on

Itinapon na parang basura ang isang bagong silang na sanggol kaninang umaga sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa garbage collector na si Tyron Luciano, nangongolekta sila ng basura sakay ng truck kaninang umaga nang mapansin nito pagdating sa may Jaime Cardinal Sin Avenue ang isang box na nakabalot ng plastic.

Inakala niya umanong mga tira-tira lang itong pagkain pero nang buksan niya ang plastic ay tumambad sa kanya ang wala ng buhay na sanggol.

Nakakabit pa ang pusod nito at kumpleto na ang mga bahagi ng katawan.

Isasailalim umano sa post mortem examination ang sanggol habang patuloy ngayon ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang responsable sa pagtapon nito.