Aklan News
Bagong taripa sa e-trike sa Boracay, ipatutupad na bukas
Sisimulan na bukas, October 21, 2022 ang pagpapatupad ng bagong taripa sa mga bumibiyaheng E-trike sa isla ng Boracay.
Nakasaad sa bagong E-trike tarrif rates in pursuant sa SB resolution No. 060-2022 na P15 na ang minimum na pamasahe mula sa dating P10.
Nakalagay din sa taripa ang 30% na discount para sa mga estudyante sa elementarya at highschool gayundin ang 20% discount para naman sa mga senior citizens.
Umaabot naman sa P500 ang singil para sa island tour na may maximum na 4 pax.
Ang e-trike ang ginagamit na transportasyon ng mga turista maging ng mga residente sa isla.
Kung maatandaan, humiling ang mga e-trike drivers ng dagdag na P5 sa singil sa pamasahe dahill sa epekto ng pandemya, pinagbigyan naman ito ng Sangguniang Bayan at inaprubahan ang SB Resolution No. 060-2022.