Connect with us

Aklan News

Bahagi ng isang minimart sa Boracay, nasunog

Published

on

Bahagi ng isang minimart sa Boracay, nasunog

Nakapagtala ng P5,000 na halaga ng danyos ang BFP Boracay sa nangyaring sunog sa isang isang mini mart sa Brgy. Manoc-Manoc, Main Rd. Boracay kagabi.

Batay sa imbestigasyon ng BFP Boracay, pagdating umano nila ay wala ng apoy sa lugar.

Nilamon umano ng apoy ang ilang box ng bottled water na mabilis ring napansin ng mga tao na naroon kaya’t pinagtulungan nilang apulahin.

Sa ngayon ay inaalam pa ng nga otoridad kung ano ng sanhi ng apoy.