Connect with us

Aklan News

Bahagi ng lupa sa Poblacion, Libacao naglandslide

Published

on

Gumuho ang bahagi ng lupa sa gilid ng kalsada sa Poblacion, Libacao, Aklan nitong madaling araw ng Disyembre 24, 2024.

Ito ay dahil umano sa walang tigil na pag-ulan sa lalawigan.

Ayon sa Libacao PNP, nagtulungan ang mga taga MDRRMO Libacao at PDRRMO Aklan para matanggal ang mga bumagsak na lupa at halaman na nakaharang sa daan.

Umabot lang umano ng dalawang oras ang clearing operation at nabuksan na ang kalsada.