Aklan News
Bahagi ng Toting Reyes St. pansamantalang isinara para sa reconstruction ng Bagong Kalibo Public Market
HINDI muna madadaanan ng mga sasakyan ang bahagi ng Toting Reyes St. sa harap ng Kalibo Public Market upang bigyan daan ang reconstruction ng Bagong Kalibo Public Market.
Ayon sa MEEDO-Kalibo ito ay pansamantala lamang hanggang sa matapos ang pagsasaayos ng bagong merkado.
Sa bahaging ito ilalagay ang mga heavy equipment na gagamitin sa reconstruction.
Hindi rin papayagan ang mga vendors sa bahaging ito ng kalsada habang nagpapatuloy ang konstruksyon ng public market.
Kaugnay nito, may mga nakabantay na mga kapulisan at miyembro ng MDRRMO Kalibo sa bahaging ito upang masigurong walang lalabag dito.| SMV
Continue Reading