Connect with us

Aklan News

BAHAY HINALUHOG NG OTORIDAD, BARIL, MGA BALA AT GRANADA, TUMAMBAD

Published

on

Ibajay – Sasampahan bukas ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isang lalaki matapos masamsam ng mga pulis mula sa kanyang bahay ang isang baril at mga bala nito kaninang umaga.

Sa bisa ng search warrant, pinasok at hinalughog ng Ibajay PNP at 2nd Aklan Provincial Mobile Group ang bahay ng suspek na si Edito Italia Jr. (alyas junior tattoo) 44 anyos ng Aparicio, Ibajay kung saan narekober ang isang caliber .45 baril, kasama na ang magazine nito na may 7 bala, isa pang magazine ng calibre .45 na may 5 bala.

Maliban dito, narekober din sa isa pang kuwarto ng kanyang bahay ang 1 granda at 3 pang bala ng calibre .45.

Dahil dito, kaagad inaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Ibajay PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Ayon pa sa Ibajay PNP, matagal na umanong inireklamo sa barangay ang suspek dahil sa madalas umano nitong pagpapaputok ng baril tuwing nalalasing na naging resulta naman upang aplayan ito ng search warrant.

Samantala, mariin naman umanong itinanggi ng suspek ang mga nakuhang baril, bala, at granada sa kanyang bahay.