Aklan News
Bahay inabo ng apoy sa Dongon West, Numancia


Nilamon ng apoy ang isang bahay kahapon sa Brgy. Dongon West, Numancia.
Ayon kay SFO2 Rechie Del Rosario – Chief of Operation ng Numancia BFP, nakatanggap sila ng tawag mula sa Numancia PNP station na may nangyayaring sunog sa naturang lugar na agad naman nilang pinuntahan.
Pagdating nila sa lugar ay totally burned na ang bahay na gawa lamang sa light materials at pag-aari ng 64-anyos na si Zosimo Juntila.
Dagdag pa ni Del Rosario, nag-iisang bahay lang ito na malapit sa palaisdaan.
Tinatayang nasa higit kumulang P40,000 ang danyos na iniwan ng sunog.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP para matukoy kung saan nagmula ang apoy na naging dahilan ng sunog.
Walang namang naireport na nasugatan sa nasabing insidente.
Continue Reading