Aklan News
Bahay na may vulcanizing shop tinupok ng apoy, perang matagal na inipon ng may-ari naabo
Tinupok ng sunog ang bahay na may vulcanizing shop sa Poblacion, Malinao kagabi.
Kabilang sa mga naabo ang perang ilang taon nang iniipon ng may-ari na si Bernabe Gumban.
Kwento niya, nagsimula ang sunog ilang minuto matapos mag-spark ang poste nang bumalik ang kuryente mga pasado alas-11:00 kagabi.
Tulog siya at malaki na umano ang apoy nang magising siya.
Sinubukan pa niyang salbahin ang inipon niyang pera na nakatago sa lagayan ng kanyang mga damit pero nabigo siyang makuha ito.
Nagtamo rin ang biktima ng ilang paso sa katawan matapos na piliting salbahin ang kanyang bisikleta.
Nagdeklara ng fire-out ang mga bumbero alas 12:38 ng hatinggabi.
Ito na ang ikatlong sunog na naitala mula nang sumapit ang taong 2024.
Continue Reading