Aklan News
Bahay ng isang senior citizen sa Numancia nilamon ng apoy, P45,000 halaga ng pinsala
Nilamon ng apoy ang bahay ng isang senior citizen sa Brgy. Bubog, Numancia dakong alas-12:00 ng tanghali nitong Biyernes.
Kinilala ang may-ari ng nasunog na bahay na si Rosalia Lubrique, 70-anyos at solong nakatira doon.
Napag-alaman na may niluluto ang nabanggit na lola at lumabas lang ng sandali pero pagbalik nito ay lumalagablab na ang kaniyang bahay.
Agad namang nagresponde ang Numancia BFP ngunit mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang naturang bahay.
Batay sa imbestigasyon ng BFP Numancia, aabot sa P45,000 ang naiwang pinsala ng nangyaring sunog.
Masuwerte na wala namang nasugatan sa nangyaring insidente.
via Rhealyn Ortega
Continue Reading