Connect with us

Aklan News

Bahay, ninakawan ng 2 cellphone

Published

on

Dismayadong tumungo sa Kalibo PNP Station ang isang 53 anyos na lalaki para magreport, matapos umanong mabiktima ng magnanakaw kaninang madaling araw sa Purok 2, C.Laserna, Poblacion,.Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Apollo Dela Cruz ng nasabing lugar kasama ang dalagitang anak na kapwa umano ninakawan ng tig-iisang cellphone.

Ayon kay Dela Cruz, alas 4:30 kaninang madaling araw nang matuklasan nila na wala na ang kaniyang MI Cellphone na naka charge sa kanilang sala malapit sa bintana, maging ang Oppo A12 ng kanyang anak.

Ayon pa sa bjktima, posible umanong dinukot ng hindi pa nakikilalang suspek ang mga nasabing cellphone, maging ang kanyang belt bag na may mga barya na malapit din doon.

Patuloy namang iniimbistigahan ng Kalibo PNP ang insidente.