Aklan News
Bahay sa Boracay nilooban ng kawatan, mga alahas at perang nagkakahalaga ng kabuuang P100k tinangay
Sinalakay ng kawatan ang isang bahay sa Brgy. Yapak sa Boracay island sa kasagsagan ng malakas na ulan kahapon, Mayo 31.
Batay sa guro at may-ari ng bahay na si Hazel Bandiola, ninakaw ng di pa kilalang suspek o mga suspek ang dalawang gold necklace na nagkakahalaga ng P55,000 , red cash box na may lamang 300 US dollars, P28,000 cash, bank book at iba pang mahahalagang dokumento.
Tinatayang nasa P100, 000 ang kabuuang halaga ng mga natangay ng magnanakaw.
Nananawagan si Bandiola sa kung sino man ang mapagbebentahan ng mga alahas na ipag-bigay alam ito sa kanya.
Ipinaabot na rin nila sa Malay PNP ang nangyari at iniimbestigahan na ng mga otoridad.
Kamakailan lang, ibinalita ni PLt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay PNP na bumaba na ang bilang ng mga naitatalang nakawan sa isla ng Boracay.
Aniya, bumuo sila ng Theft and Robbery section upang mas matutukan at mapag-aralan ang nasabing mga insidente.