Connect with us

Aklan News

Bahay sa Bulabod Malinao, hinalughog ng mga otoridad; baril at bala, nasamsam

Published

on

Nasamsam ng mga otoridad ang isang baril at ilang bala matapos halughugin ang isang bahay sa Sitio Centro, Bulabod, Malinao nitong biyernes ng umaga, Mayo 23.
Ang subject ay kinilalang si John Mark Imaculata, 36-anyos at residente ng nasabing lugar.
Nakuha sa bahay ni Imaculata ang isang Caliber 38 revolver na may limang bala at dalawang 12-guage live ammunition.
Itinatanggi naman ni Imaculata na sa kanya ang baril at bala na narekober ng mga operatiba.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa bisa ng isang search warrant.
Mahaharap maman ang subject person sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law of Firearms and Ammunitions Regulation Act.