Connect with us

Aklan News

Bahay sa Carpio RD., Brgy. Tigayon, Kalibo, nasunog

Published

on

‎Natupok ng apoy ang extension ng isang bahay habang nadamay rin sa sunog ang ginagawang resthouse at katabi pang bahay sa Carpio Rd., Brgy. Tigayon, Kalibo nitong umaga ng Lunes.
‎Ang mga nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Noemi Ortega na kasalukuyang nasa ibang bansa at pinapatirhan lang nito sa kaniyang mga pamilya.
‎Sa pahayag ng isang caretaker, ang sunog ay nagsimula sa bahagi ng dirty kitchen ng bahay kung saan agad itong kumalat sa ginagawang resthouse na gawa sa mixed materials.
‎Samantala, ayon pa sa isang trabahador ng resthouse ay malaki na ang aniya ang apoy nang kanilang mapansin.
‎Nagresponde naman kaagad sa lugar ang Community Fire Action Group ng Poblacion, Kalibo at BFP-Kalibo kung saan idineklara itong fire under control dakong alas- 10:15.
‎Sa ngayon patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP-Kalibo kaugnay sa pinagmulan at kabuuang pinsala ng nangyaring sunog. l Ulat ni Arvin Rompe