Connect with us

Aklan News

Bahay sa Ibajay nasunog, higit P12,000 iniwang danyos

Published

on

Umabot sa P12,250 ang iniwang pinsala ng nasunog na bahay sa Brgy. Regador, Ibajay nitong gabi ng Miyerkules.

Pagmamay-ari ni Michelle Montero ang naturang bahay na gawa sa light materials.

Ayon sa BFP Ibajay, kakaalis lang nila Montero nang mangyari ang sunog kaya’t walang tao roon.

Samantala, naging mabilis umano ang pagkalat ng apoy dahil gawa lamang ito sa light materials.

Agad ding nagresponde ang BFP Ibajay kung saan dakong alas- 7:54 ng gabi ay ideneklara nang fire-out.

Wala namang nasugatan at iba pang nadamay sa naturang insidente.