Aklan News
Bahay sa Lezo, ninakawann ng iba’t-ibang gamit; kawatan nag-iwan pa ng foot prints
Nag-iwan ng mga bakas ng paa ang mga kawatan na nanloob sa isang tatlong palapag na pamamahay sa Brgy. Bagto, Lezo gabi nitong Sabado.
Kabilang sa mga natangay ang 11 pares ng sapatos, 1 Louis Vuitton Bag, 1 Cellphone, 2 tsinelas, Jersey, at isang shack ng motor na may mga mamahaling halaga.
Sa post sa social media ng isa sa may-ari, nag-apela ito sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila sakaling makita o mapagbebentahan sila ng mga gamit na ninakaw dahil may sentimental value umano ang mga ito sa kanila.
Lumalabas naman sa imbestigasyon ng Lezo PNP, posibleng sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan naganap ang panloloob.
Sinasabing sa likurang bahagi ng bahay dumaan ang mga hinihinalaang kawatan na pawang dalawang binatilyo dahil sa iniwang bakas ng kanilang paa na bumakat sa lupa.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lezo PNP hinggil sa nangyaring nakawan.