Aklan News
BAHAY SA LIBACAO, NASUNOG; DANYOS, HUMIGIT-KUMULANG P150K
Humigit-kumulang sa P150K ang natamong danyos ng may-ari ng bahay matapos lamunin ng apoy kaninang pasado alas 3:30 ng madaling-araw sa
Bonifacio St.,Brgy Poblacion sa bayan ng Libacao.
Sa Panayam ng Radyo Todo kay Arson Investigator FO1 Raven Corros ng Bureau of Fire Libacao, ang bahay ay pagmamay-ari ni Jess Remola, na gawa sa mixed materials.
Dagdag pa ni Corros, na nag-iisa lamang sa loob ng kanyag bahay si Remola ng mangyari ang insidente. Napag-alamang nagmula ang apoy sa parteng kusina nito.
Aniya patuloy pa ang kanilang isinagawang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng sunog.
Wala namang may naiulat na casualty o nadamay na ibang kabahayan sa insidente.
Continue Reading