Connect with us

Aklan News

‎ Bahay sa morales, Balete, nasunog; may-ari nanawagan ng tulong

Published

on

NANAWAGAN ng tulong si Reymond Neron matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Barangay Morales, Balete, nitong Sabado ng gabi, Hunyo 7.

‎Ayon kay Neron, pansamantalang naninirahan sa bahay ang kanyang 72-anyos na tiyahin at ang 57-anyos na anak nito, dahil kasalukuyan siyang nasa Metro Manila.

‎Sa salaysay nito, nanood umano ng tv ang kanyang tiyahin at pinsan nang hindi nila namalayan ang nilulutong sinaing sa likod ng kanilang bahay.

‎Hindi na nila napigilan pa ang paglaki ng apoy at ito’y kumalat na rin sa buong bahay.

‎Napag-alamang gawa sa mixed materials ang nasunog na bahay samantalang kahoy naman ang kanilang ginagamit panggatong.

‎Sa ngayon, pansamantala munang nakikituloy ang mag-ina sa kanilang mga kamag-anak.

‎Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP-Balete sa nangyaring sunog.| ulat ni Arvin Rompe