Connect with us

Aklan News

Bakasyunista sa Boracay unti-unti nang dumadami, tourist arrival ngayong Hunyo pumatak na sa 23K

Published

on

Unti-unti nang dumadami ang bilang ng mga turistang bumibisita sa pamosong isla ng Boracay.

Batay sa pinakabagong tala ng Malay Tourism Office, umabot na sa kabuuang 23, 599 ang mga tourist arrivals simula Hunyo 1 hanggang Hunyo 27, 2021.

Sa nasabing bilang, 15, 075 ang galing sa National Capital Region (NCR), 5,170 sa CALABARZON, 1,736 sa Central Luzon, 654 sa Aklan, 234 sa Central Visayas, 182 sa Western Visayas, 129 sa Ilocos Region, 127 sa Cagayan Valley, 107 sa Cordillera Administrative Region, 68 sa Bicol Region, 30 sa Davao, 25 sa Eastern Visayas, 20 sa MIMAROPA, 17 sa Northern Mindanao, 12 sa CARAGA, 9 sa SOCCSSARGEN, 3 sa Zamboanga Peninsula at 1 sa BARMM.

Batay sa sa datos, nasa 11, 902 ang mga babae at 11, 697 naman ang mga lalaking turista.

Bukas pa rin ang isla sa mga turista mula sa NCR+ at iba pang mga lugar na nasa GCQ o MGCQ areas.