Connect with us

Aklan News

BAKUNA KONTRA COVID, REQUIRED NA SA LAHAT NG MGA EMPLEYADO SA MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG SEKTOR SIMULA NGAYONG ARAW

Published

on

NO VACCINE, NO WORK POLICY IPINAPATUPAD NG AKLAN PROVINCIAL GOVERNMENT

Simula ngayong araw, Enero 17, 2022, required na sa lahat ng mga empleyado kapwa sa pampubliko at pribadong sektor ang magpabakuna kontra COVID-19.

Ito ay batay sa bagong Executive Order na inilabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores kagabi, Enero 16, 2022.

Nakasaad sa EO No. 003 Series of 2022 ang striktong implementasyon ng Resolution No. 148-B series of 2021 ng National Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nag-rerequire sa lahat ng empleyado na magpabakuna.

Ang mga hindi naman bakunado ay hindi maaaaring tanggalin sa trabaho pero kailangan magpakita ng negative RT-PCR test bawat dalawang linggo na sarili nilang gastos.

Gayundin din ang mga nagtatrabaho sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Ang tanging exempted lang sa vaccination requirement ay ang indibidwal na makapagpapakita ng medical clearance mula sa Municipal Health Office o Provincial Health Office.