Aklan News
BAKUNAHAN SA MGA BATANG EDAD 5-11, NAGSIMULA NA NGAYONG ARAW
Nagsimula na ngayong araw ang bakunahan sa mga batang edad 5-11 taong gulang sa NVC Gymnasium, Capitol Site, Kalibo, Aklan.
Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Leslie Ann L. Luces na target nilang mabakunahan ang may nasa 500 na kabataan ngayong araw, Pebrero 15, 2022.
“Sa makaron nga adlaw aton nga gina-anticipate nga mabakunahan is 500 nga mga inunga, theses are all pre-registered so that we can limit the number of children nga mabakunahan per hour para ma maintain gihapon ro minimum public health standards,” saad ni Luces.
Aniya, 100 na kabataan bawat oras ang babakunahan para masiguro na nasusunod pa rin ang mga health protocols.
Sa kasalukuyan, mayroon ng nasa 3000 na mga kabataan ang naka pre-register sa online registration ng Provincial Health Office (PHO).
Pero wala pa ring tigil ang panghihikayat ng PHO sa publiko na pabakunahan ang kanilang mga anak na pasok sa naturang age bracket para maprotektahan din sila laban sa nakamamatay na virus na COVID-19.
Masaya ring sinabi ni Dr. Luces na magsisimula na rin ng vaccination roll out ang ibang LGU’s sa lalawigan para sa mga batang edad 5-11 taong gulang.
Matatandaang nauna nang nagsimula ng pagbabakuna sa parehong age group ang Boracay Island sa ginanap na Resbakuna Kids na pinangunahan mismo si DOT secretary Bernadette Romulo Puyat at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. MAS/RT