Aklan News
Ban sa shipment ng poultry products sa Aklan, tinanggal na
Inalis na ni Aklan Governor Jose Enrique Miraflores ang ban sa shipment ng mga live poultry products, non-poultry products at by products mula sa Region VI maliban sa balut.
Ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) ang mga bagong panuntunan sa paggalaw ng mga produkto ng manok sa kasagsagan ng Avian Influenza Outbreak sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 27 Series of 2022.
Batay sa report ng Bureau of Animal Industry, magaling na ang 113 mula sa 120 na kaso ng Avian Influenza.
Kaugnay nito, naglabas na si Gov. Miraflores ng Executive Order 002 Series of 2022 kaugnay sa pagtanggal ng pansamantalang ban sa mga nabanggit na produkto.
Gayunpaman bago makapasok sa Aklan ang ma shipment ay kailangan magpakita ng Notice of Coordination at Acceptance mula sa Provincial Veterinarian.
Epektibo ang bagong EO sa unang araw ng Hulyo 2022.