Connect with us

Aklan News

BANGA EX-MAYOR ANTONG MAMING, HINILING SA SANGGUNIANG BAYAN NG KALIBO NA PAYAGAN ANG OPERASYON NG ONLINE SABONG

Published

on

Photo| https://philippineslifestyle.com/

Ikinagulat ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang ipinadalang sulat ni dating Banga Mayor Antonio “Antong” Maming na nagre-request na payagan ang operasyon ng online sabong sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam kay SB member Augusto Tolentino sa programang Todo Komentaryo nitong Martes, sinabi nito na nakasaad sa nasabing sulat ni Maming bilang manager at representante ng Island Venture Gaming Corporation na humihingi ito ng endorsement sa Sangguniang Bayan na payagan ang online sabong.

Aniya, hindi ito ganun kadali dahil kailangan muna itong dumaan sa proseso at hindi basta-basta puwedeng ma-approved.

“Hambae ko ngane kahapon, paano ron, indi ta pwede ron, ipaagi ta anay sa proseso, mga makara ngara hay, gambling ra, indi ta pwede basta eat-a apruban”, ani ni Tolentino.

“Bukon ta it Banga ra, Kalibo ta ra!”, dagdag pa ni Tolentino.

Kaugnay nito, sinabi ni Tolentino na nararapat itong idaan sa komitiba at tanungin si Maming kung paano ang proseso sa pagsingil sa online cockfighting at kung paano at saan ito isasagawa.

Dagdag pa nito na parang lumalabas aniya na ‘under’ ni Maming ang sangguniang bayan ng Kalibo dahil ang dating nito sa kanila ay parang isang mandato.

“…Ro nag-guwa ta abi hay medyo ‘order’ ta sa sangguniang bayan, matsa ‘under’ ta kami ni Aton Maming ro Kalibo Sangguniang Bayan…’, pahayag ni SB Tolentino.

Dahil dito, napagdesisyunan at pumabor ang Kalibo Sangguniang Bayan na idaan muna sa komitiba ang naturang hiling ni Maming upang mas mapag-usapan.

Maaalala na tanging ang mga operasyon lamang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) at iba pang authorized agents ang pinapayagang mag-operate sa ilalim na ipinapatupad na General Community Quarantine o GCQ sa buong probinsiya ng Aklan at hindi kasama ang online sabong.