Aklan News
BANGA-LIBACAO ROAD, PORMAL NANG ITU-TURN OVER SA PROVL GOVT SA DARATING NA DEC. 10
Pormal nang itu-turn-over sa Aklan provl govt ang Banga-Libacao Road sa gaganaping inagurasyon sa darating na Dec. 10 taong kasalukuyan.
Ito ang kinumpirma ni Engr. Roger Esto head ng Provl. Planning and Develoment Office kung saan, si DA Secretary William Dar ang magiging panauhin.
Ayon pa kay Esto ang naturang Banga – Libacao road ay isang grant ng World Bank sa ilalim ng PRDP O Philippine Rural Development Project na nagkahalaga ng 148.5 Milyon pesos at may habang 12.5 kilometers at limang tulay.
Samantala, magbibigay din umano ng cash assistance at mga farm machineries si Sec. Dar, para sa mga rehistradong irigators at farmers sa lalawigan ng Aklan
Continue Reading