Connect with us

Aklan News

Banga PNP may person of interest na sa pagbaril-patay sa isang negosyante sa Barangay Venturanza

Published

on

Mayroon nang person of interest ang pulisya sa pagpatay sa isang negosyante sa barangay Venturanza, Banga, Aklan.

Ayon kay PLt. Loy Jay Fantilaga, Deputy Chief of Police ng Banga PNP hinihintay nalang nila na makapagbigay ng pahayag ang misis ng biktimang si Romer De Juan dahil ito ang nakasaksi sa krimen.

Posible umanong may kaugnayan sa pamilya o negosyo ang dahilan ng pagpatay sa biktima.

Matatandaang pauwi na sana kasama ng kanyang misis si De Juan nitong Miyerkules ng hapon sakay ng traysikel nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ang biktima ng pitong tama ng bala sa katawan dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Banga PNP sa nangyaring krimen.