Aklan News
Bangka tumaob sa baybaying sakop ng Pook, Kalibo; mag-anak na sakay ng bangka na-rescue
NASAGIP ng mga rumespondeng pulis at iba pang rescuers ang isang magpamilyang sakay ng tumaob na bangka sa Lambingan Beach Pook, Kalibo nitong Lunes ng hapon
Ayon sa ulat, may nagpunta umanong isang concern citizen sa kinaroroonan ng mga pulis at inireport ang nangyaring insidente.
Nailigtas ng otoridad ang nasa 14 katao na napag alaman na magpamilya kung saan isa ang sangol, 3 ang bata at 10 pang iba ang lulan ng bangka
Agad din na tumulong sa rescue operation ang MDRRMO at BFP Kalibo kasama ang Philippine Coast Guard.
Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang magpamilyang nailigtas ng mga otoridad at maswerte namang walang nasugatan. | via Kiervy Revesencio
Continue Reading