Aklan News
Bangkay ng babaeng natagpuan sa dalampasigan na sakop ng brgy. Baybay, Makato, nakilala na
Nakilala na ang babaeng natagpuan sa dalampasigan ng barangay Baybay, Makato nitong umaga ng Biyernes.
Ayon kay PSSgt. Jover Zubiaga, imbestigador ng Makato PNP na kinilala ng kanyang pamilya na ang nakitang bangkay sa dalampasigan ay si Myla Nagales, 32-anyos ng Galicia, Madalag, Aklan.
Aniya, nai-report na missing si Nagales noong Pebrero a-15.
“According sa anang pamilya, February 15 napan-uhan eot-a nanda nga owa eon kauli raya sa anang pamilya,” pahayag ni PSSgt. Zubiaga.
Saad pa ni Zubiaga, natagpuan na lamang nakatihaya nakataas ang itim na damit at nakasuot ng maong na shorts ang biktima ng makita ng mga residente sa lugar.
Maliban dito, may mga sugat rin aniya ito sa kanyang katawan na pinaniniwalaang tinamo nito habang dinadala siya ng agos ng tubig sa ilog.
Batay naman sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, susunduin sana nito ang kanyang ina patawid ng ilog.
Pinaniniwalaan na posibleng tinangay ito ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa ilog kung kaya’t hindi na ito nakauwi sa kanila.
Natagpuan na lamang ito kaninang umaga sa dalampasigan ng Baybay, Makato at wala nang buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.